• SATURDAY PAGKATAPOS NG TV PATROL WEEKEND
  • SATURDAY PAGKATAPOS NG TV PATROL WEEKEND
Toni Gonzaga, naninigil ng pamasko kay John Lloyd Cruz sa "Home Sweetie Home"
Nagtampo na naman ang karakter ni Toni Gonzaga sa “Home Sweetie Home” sa kanyang asawa na si Romeo (John Lloyd Cruz) nang makatanggap ito ng isang bagong refrigerator na regalo sa kanya ni Romeo ngayong Pasko. Ani ni Julie (Toni Gonzaga), ang refrigerator ay hindi personal gift at para sa lahat. Ang hindi alam ni Julie, ipinangutang pa ni Romeo ang pera para lang mabili ang refrigerator para sa pamilya.

Magiging malamig ba ang Pasko para sa paborito nating mag-asawa?

Huwag palampasin ang episode ng “Home Sweetie Home” ngayong Sabado (Disyembre 20) sa ABS-CBN Channel 2, 6PM!

Abangan din ang lahat ng ibang mga Kapamilya comedy shows. Panoorin ang “Banana Split: Extra Scoop” tuwing Sabado pagkatapos ng “Maalaala Mo Kaya”, ang “Banana Nite” tuwing weekdays pagkatapos ng “Bandila”, ang “LUV U” tuwing Linggo pagkatapos ng “ASAP 19”, at ang “Goin’ Bulilit” tuwing Linggo pagkatapos ng “TV Patrol Weekend”.

Panoorin ang full episodes o past episodes ng “Home Sweetie Home” gamit ang ABS-CBNmobile. Pumunta lamang sa www.abscbnmobile.com para sa karagdagang impormasyon.