• Monday - Friday after Linlang
  • Monday - Friday after Linlang
Life After Senior High webisodes

Ano ang nangyari sa mga bida ng “Senior High” pagkatapos ng kanilang graduation?

Bago mapanood ang sequel ng “Senior High” na “High Street,” alamin kung kumusta na ang kalagayan ng mga karakter sa “Life After Senior High” webisodes. Napapanood ito exclusively sa Facebook page ng Dreamscape Entertainment at sa YouTube channel ng ABS-CBN Entertainment.

Tampok sa five-part webisode ang life updates ng mga karakter nina Andrea Brillantes, Juan Karlos, Elijah Canlas, Xyriel Manabat, Zaijian Jaranilla, Miggy Jimenez, Gela Atayde, at Tommy Alejandrino.

Available nang mapanood ang first websisode nina Roxy (Xyriel) at Archie (Elijah) kung saan ipinasilip kung paano nangako si Archie na paninindigan nito ang baby nila ni Roxy. Sa huli, nanganak na si Roxy pero tila hindi natupad ni Archie ang kanyang pangako dahil makikita siyang nakakulong sa ibang bansa.

Nitong Martes at Miyerkoles ay nalaman naman natin kung anong nangyari kina Sanya at Kenjie at kina Tim at Poch after Senior High graduation.

Napapanood ang mga bagong webisode ng “Life After Senior High” araw-araw hanggang Abril 26 (Biyernes) ng 6 PM sa Dreamscape Entertainment Facebook page at ABS-CBN Entertainment YouTube channel.