Catch up with the He's Into Her squad before the finale episode!

Patindi nang patindi ang banggaan nina Deib (Donny Pangilinan) at RJ (Jeremiah Lisbo) dahi malapit nang magharap ang kanilang eskwelahan sa basketball championship habang pareho nilang ipaglalaban makuha ang puso ni Max (Belle Mariano) sa inaabangang finale ng top trending series na “He’s Into Her,” na mapapanood sa iWantTFC sa Biyernes Friday (Hulyo 30) at sa Kapamilya Channel at A2Z sa Linggo (Agosto 1).  

Sa isang 'di inaasahang pagkikita, nangako si RJ kay Max na hinding-hindi na nito iiwan ang dating kasintahan, lalu na ngayon na hindi maayos ang kanyag pamilya at patuloy na iniisip na bumalik sa tahimik na buhay sa probinsya.  

Samantala, nang matagpuan ni Deib na magkasama ang dalawa, hindi nito tinago ang selos nang malamang magkaibiga nang muli ang dating magkasintahan at kahit na sinabi ni Max na espesyal na si Deib sa kanyang puso.  

Patuloy naman na sinisisi ni Max ang sarili at nag-alok pa itong umuwi na lang sa Mindoro dahil hindi pa rin umuuwi ang stepmother niyang si Macy (Issa Litton) at stepsister na si Elle (Melizza Jimenez), matapos umalis nang ipilit ng tatay nitong si Maxim (Richard Quan) na panagutan ni Elle ang pagkakasangkot sa pananakit kay Max sa Benison. 

Ngayong determinado si Deib kunin ang championship trophy kina RJ, makuha rin kaya niya ang puso ni Max?  

Abangan ang “He’s Into Her” sa iWantTFC sa Biyernes, at sa Kapamilya Channel, A2Z, TFC at sa Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment sa Linggo.