Arjo at Yves, pinatumba ni Ariel sa Hanggang Saan


Isang malaking bangungot ang natunghayan ni Sonya (Sylvia Sanchez) nang makita niya ang parehong anak niyang nag-aagaw buhay at nakahandusay sa sahig matapos barilin ni Jacob (Ariel Rivera) si Domeng (Yves Flores), samantalang muling inatake naman sa puso si Paco (Arjo Atayde) sa “Hanggang Saan.”
 

Natanggap na ni Sonya ang lupit ng ganti ni Jacob matapos nitong ilagay sa panganib ang buhay nina Paco at Domeng. Nangyari ito matapos makipagkita si Roman (Junjun Quintana) kay Paco upang dalhin ang mga ebidensyang magpapatunay na si Jacob ang utak sa pagkamatay ni Edward (Eric Quizon).

 

Dahil nga sa malagim na pangyayari, muling haharap si Sonya sa pinakakinakatakutan niyang tagpo ngayong nasa bingit ng kamatayan ang kanyang mga anak. Pero sa tulong ng kanyang mga kaibigan, gagawin niya ang lahat upang mailigtas sina Paco at Domeng at hindi titigil upang makuha ang hustisya sa krimen.
 

Samantala, ngayong wala na sa landas niya si Roman, patuloy na lilinisin ni Jacob ang lahat ng dumi na pwedeng maging sanhi ng pagkakabuko ng kanyang mga sikreto at isa-isang itutumba ang sisira sa kanyang mga plano.
 

Makaligtas nga kaya mula sa kapahamakan sina Domeng at Paco?
 

Panoorin ang seryeng magpapakita kung hanggang saan ang pagmamahal ng isang ina para sa anak sa “Hanggang Saan,” tuwing hapon pagkatapos ng “Asintado” sa ABS-CBN at sa ABS-CBN HD (SkyCable 167). Para sa updates, mag-log on lang sa fb.com/hanggangsaan at i-follow ang @hanggangsaantv sa Twitter at @hanggangsaan sa Instagram.