• SUNDAY AFTER TV PATROL WEEKEND
  • SUNDAY AFTER TV PATROL WEEKEND
Alonzo Muhlach at Vito Quizon "Goin' Bulilit" kids na simula ngayong Linggo
Like father like son ang peg ng mga cute na bulilit na sina Alonzo Muhlach at Vito Quizon, mga anak ng dating child stars na sina Nino Muhlach at Vandolph Quizon dahil kabilang na sila sa “Goin’ Bulilit” family simula ngayong Linggo (Enero 18).

Bata pa lang ay nagsisimula na ng maaga sa showbiz sina Alonzo at Vito at magpapakitang gilas ang dalawa sa angking galing sa pagpapatawa sa kanilang first appearance  sa big break sa longtime running hit comedy show na “Goin’ Bulilit” ngayong Linggo.

Maliban kina Alonzo at Vito, bida rin ang issue tungkol sa MRT fare hike sa show na lalagyan ng kakaibang twist ng mga makukulit na bulilit. Ito ang episode na siguradong kukumpleto sa weekend mo!
Huwag palampasin ang “Goin’ Bulilit” matapos ang “TV Patrol Weekend” at “LUV U” pagkatapos ng “ASAP 19” sa ABS-CBN ngayong Enero 18.

Huwag ring palampasin ang lahat ng ibang mga Kapamilya comedy shows. Panoorin ang “Banana Split: Extra Scoop” tuwing Sabado pagkatapos ng “Maalaala Mo Kaya”, ang “Banana Nite” tuwing weekdays pagkatapos ng “Bandila”, at “LUV U” tuwing Linggo pagkatapos ng “ASAP 19.”

Panoorin ang full episodes o past episodes ng “Goin’ Bulilit” gamit ang ABS-CBNmobile. Pumunta lamang sa www.abscbnmobile.com para sa karagdagang impormasyon.