• LUNES - BYERNES PAGKATAPOS NG TV PATROL
  • LUNES - BYERNES PAGKATAPOS NG TV PATROL
WATCH: Abangan si Richard Gutierrez bilang Lito Valmario sa “FPJ’s Ang Probinsyano”
Youtube

Isang bagong karakter ang darating sa buhay nina Cardo (Coco Martin) at Alyana (Yassi Pressman) sa pagpasok ni Richard Gutierrez sa action-drama serye na FPJ’s Ang Probinsyano simula ngayong Lunes (Hulyo 6) sa Kapamilya Channel

Dito, gaganap si Richard bilang ang mayamang businessman na si Lito, na kababata at unang pag-ibig ni Alyana.

Matapos ang ilang taong pagkakalayo, magbabalik si Lito sa buhay ni Alyana at mapapalapit sa pamilya nito.

Mapagkakatiwalaan nga ba si Lito, o siya na ba ang panibagong kaaway na patutumbahin ni Cardo? Ano ang tunay niyang intensyon sa pagbabalik niya sa buhay ni Alyana?

Tunghayan si Richard Gutierrez bilang Lito at ang mga maaksyong misyon ni Cardo sa FPJ’s Ang Probinsyano tuwing 8 PM mula Lunes hanngang Biyernes sa Kapamilya Channel. Mapapanood din ang episodes nito sa iWant app or iwant.ph