• LUNES - BYERNES PAGKATAPOS NG TV PATROL
  • LUNES - BYERNES PAGKATAPOS NG TV PATROL
Seth, ilalagay sa panganib si Cardo sa FPJ’s Ang Probinsyano

Isang usyoserong binata ang maaaring magpahamak kina Cardo (Coco Martin) at sa Task Force Aguila sa pagpasok ng bagong karakter ni Seth Fedelin sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Gagampanan ni Seth si Macoy, isang batang taga-probinsya na makakasama nina Cardo at mga kasamang pulis sa rancho ni Lito (Richard Gutierrez) habang pinagtataguan pa rin nila ang mga awtoridad. Dahil pangarap niyang maging pulis, nais mapalapit ni Macoy sa grupo ni Cardo para alamin ang iba’t ibang diskarte sa trabaho.

Itinuturing namang blessing ni Seth ang pagsabak niya sa action-drama serye. “Nakaka-proud lang din na nakapasok ako sa Ang Probinsyano. Siyempre sobrang saya kasi nakasama ko si Kuya Coco kasi hindi ka lang pupunta basta mag-taping. Kahit sa likod ng camera kakausapin ka niya, bibigyan ka ng advice at tuturuan ka pa ng mga technique,” sabi niya.

Mapagkatiwalaan kaya nina Cardo at ng Task Force Aguila si Macoy ngayong nasa panganib pa rin ang buhay nila?

Samantala, patuloy namang nasusunod ang mga plano ni Lito para mapalapit kay Alyana (Yassi Pressman) habang wala pa ring kamalay-malay si Cardo sa mga intensyon ni Lito.

Panoorin si Seth bilang si Macoy at ang mga panibagong hamon sa buhay ni Cardo sa bagong episodes ng FPJ’s Ang Probinsyano mula Lunes hanggang Biyernes, 8 PM sa Kapamilya Channel.

Maaari na ring subaybayan ito sa Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, pati na rin sa iwant app o iwanttfc.com.