• LUNES - BYERNES PAGKATAPOS NG TV PATROL
  • LUNES - BYERNES PAGKATAPOS NG TV PATROL
Music Video of CarYana new love theme song “Kunin Mo Na Ang Lahat Sa Akin” by Gary V

Isang bagong makabag-damdaming theme song na inawit ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano ang magdadagdag ng kulay at emosyon sa hamong haharapin ng mag-asawang Cardo (Coco Martin) at Alyana (Yassi Pressman) sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Inilabas kamakailan ang bersyon ni Gary V ng “Kunin Mo Na Ang Lahat Sa Akin,” ang ikaapat na kantang inawit niya para sa serye. Ito na ang bagong awiting ilalapat sa mga eksena ng “CarYana” at magsisilbing sigaw ng mga puso nilang nagmamahalan, sa kabila ng masasamang plano at patuloy na pang-aakit ni Lito (Richard Gutierrez) kay Alyana.

Sa kabila ng matibay na relasyon ng mag-asawa, walang kamalay-malay si Cardo na unti-unting napapalapit si Lito kay Alyana matapos niya itong gawing business partner na mamumuno sa isang malaking proyekto.

Tuluyan na kayang mahulog si Alyana sa patibong ni Lito? Hanggang kailan mabubulag si Cardo ng ipinapakitang kabutihan ng bago niyang kaagaw sa puso ng asawa?

Masusundan na ng mas maraming Pilipino ang bagong pagsubok ng CarYana sa FPJ’s Ang Probinsyano dahil napapanood na ito gabi gabi sa A2Z channel 11 analog TV.

Mapapanood ang A2Z channel 11 analog TV sa Metro Manila at mga bahagi ng Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, at Pampanga. Available din ito sa iba’t ibang cable TV at satellite TV providers sa buong bansa.

Patuloy din itong napapanood mula Lunes hanggang Biyernes, 8 PM sa CineMo at Kapamilya Channel sa cable at satellite TV sa Kapamilya Channel (SKYchannel 8 sa SD at channel 167 sa HD, Cablelink channel 8, G Sat Direct TV channel 22, at karamihan ng cable operators na miyembro ng Philippine Cable and Telecommunications Association sa buong bansa). Maaari ring subaybayan ito sa Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, pati na rin sa iwant app o iwanttfc.com.

Maaaring na ring mapakinggan ang bersyon ni Gary V ng “Kunin Mo Na Ang Lahat Sa Akin” sa iba’t ibang online stores at streaming platforms.