• LUNES - BYERNES PAGKATAPOS NG TV PATROL
  • LUNES - BYERNES PAGKATAPOS NG TV PATROL
Lorna, mapapalayas na ba sa palasyo sa “FPJ‘s Ang Probinsyano”?

Lalong mahihirapan si Lily (Lorna Tolentino) na tuparin ang pangarap niyang maging presidente ng Pilipinas pagkatapos siyang agawan ng kapangyarihan ni Renato (John Arcilla) sa FPJ’s Ang Probinsyano, na napapanood gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Nauwi sa wala ang pagmamanipula ni Lily sa pekeng presidenteng si Mariano (Rowell Santiago) dahil sa huli ay pinili nitong kumampi kay Renato, ang most wanted na kriminal sa bansa. Dahil sa kanilang kasunduan, naipabasura na rin ang mga kaso laban kay Renato at magsisilbi na itong lider ng bansa nang hindi nalalaman ng taumbayan.

 

 

Ngayong hawak na ni Renato ang kapangyarihan, lalaki lamang ang pwersa ng mga kalaban ni Cardo (Coco Martin) dahil kasosyo na rin niya sa trabaho ang isa pang kaaway ni Cardo na si Lito (Richard Gutierrez).

 

 

Habang nagtatago naman si Cardo kasama ang bihag niyang si Lia (Jane De Leon), susubukin ng Task Force Agila na makalusot sa mga otoridad para hanapin at siguraduhing wala sa panganib ang kanilang lider.

Huwag palampasin ang maaaksyong eksena sa FPJ’s Ang Probinsyano gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, CineMo, Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, iWantTFC, WeTV, at iflix. Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel sa cable at IPTV.