• LUNES - BYERNES PAGKATAPOS NG TV PATROL
  • LUNES - BYERNES PAGKATAPOS NG TV PATROL
7 Lessons We Learned from Lolo Delfin, Part 3
6. ‘Wag matakot lumaban para sa tama.


Binisita at kinausap ni Lolo Delfin si Police Chief Superintendent Redemptor Almario (Bembol Roco) dahil sa mga masasamang alegasyon at paratang tungkol sa kanya. Iniwasan pag-usapan lang ito ng kapwa pulis at sinabi handa siyang sumailalim sa isang imbestigasyon para malinis ang kanyang pangalan. Pagkatapos nito ay kinausap ni Almario sina Don Emilio (Eddie Garcia) at Joaquin (Arjo Atayde) at gumawa ng masamang plano laban kay Lolo Delfin. Bahagi na nga ng trabaho nila ang magkaroon ng maraming kalaban at kaaway na makapangyarihan, ngunit ‘wag matakot na lumaban lalo na kung alam mong nasa katwiran ka.

7. Hindi masamang magpakasaya paminsan-minsan.


Pagkatapos ng kanilang trabaho, sinamahan ni Cardo si Lolo Delfin sa kanyang bahay at nakipag-inuman para lang makipagkwentuhan tungkol sa trabaho at kanya-kanyang buhay. Binanggit ni Lolo Delfin na dapat ay mas madalas nilang gawin ‘yon dahil hindi dapat puro trabaho lang ang nasa isip nila. Dapat maglaan din tayo ng oras paminsan-minsan para magpakasaya at makasama ang mga mahal sa buhay. ‘Wag masyadong seryoso sa trabaho dahil baka makalimutan na rin nating mabuhay.

‘Wag palampasin ang mga kapanabik-nabik na mga eksena nina Cardo, Lola Flora at Lolo Delfin sa “FPJ’s Ang Probinsyano”, gabi-gabi pagkatapos ng “TV Patrol” sa ABS-CBN Primetime Bida.

1 | 2 | 3