• LUNES - BYERNES PAGKATAPOS NG TV PATROL
  • LUNES - BYERNES PAGKATAPOS NG TV PATROL
7 Lessons We Learned from Lolo Delfin
Isa si Police Chief Superintendent Delfin “Lolo Delfin” Borja (Jaime Fabregas) sa taong pinakamalapit at pinakahinahangaan ni SPO1 Ricardo “Cardo” Dalisay (Coco Martin) sa “FPJ’s Ang Probinsyano”. Bukod sa pagiging mabuting kapatid ni Lola Flora (Susan Roces), naging pangalawang ama na siya kay Cardo at sa iba pang mga kasamahan nito. Sa ilang buwan natin siyang napanood at nakasama, marami siyang naiturong mga leksiyon sa ating mga manononood. Ito ang 7 sa mga natutunan natin mula kay Lolo Delfin.

1. Matutong magsabi ng katotohanan kahit mahirap.


Binisita ni Lola Flora si Lolo Delfin sa kanyang bahay upang komprontahin at itanong kung sino ba talaga ang nakakasama na niya sa bahay. Humingi ng tawad si Lolo Delfin pagkatapos aminin ang masakit na katotohanan sa kanyang kapatid na siya ang nag-utos kay Cardo na magpanggap bilang si Ador (also played by Coco Martin) dahil sa masamang nangyari sa kakambal niya.

2. Matutong sumunod sa nakatataas at nakatatanda.


Matapos magpumilit ni Cardo na lumabas ng ospital dahil gusto na niyang bumalik sa trabaho, kinausap at pinagsabihan agad siya ni Lolo Delfin na magpahinga muna at ‘wag abusuhin ang kanyang katawan, lalo na’t kagagaling lang niya sa isang aksidente. Hindi masama ang magpahinga lalo na kung kinakailangan dahil tayong lahat ay tao lamang at mahalaga na alagaan natin ang ating mga sarili.

1 | 2 | 3