• LUNES - BYERNES PAGKATAPOS NG TV PATROL
  • LUNES - BYERNES PAGKATAPOS NG TV PATROL
“FPJ’s Ang Probinsyano” tinutukan ng mas maraming Pilipino, mas pinanood kaysa bagong katapat

Nananatiling mahigpit ang kapit ng “FPJ’s Ang Probinsyano” sa posisyon nito bilang ang pinakapinapanood na programa sa bansa sa patuloy nitong paghatid ng maaaksyong eksena sa mga manonood, kaya naman nanguna ang serye sa TV ratings sa buong bansa at tinalo ang bago nitong katapat.

Pumalo ang serye ng national TV rating na 43.2% noong Lunes (Sep 18), kumpara sa bagong katapat na “Super Ma’am” na mayroon lang 18.7%, ayon sa datos ng Kantar Media. Kinapitan din ang mga kaganapan sa “Ang Probinyano” hanggang noong Martes (Sep 19) sa pagtala nito ng 43% kumpara sa katapat na mayroon lamang 17.9%.

Bawat gabi, patuloy pa rin ang pagbuhos ng mga manonood ng mga papuri sa programa na malapit nang magdiwang ng ikalawang anibersaryo nito sa telebisyon.

“Ang #FPJAP team laging nagbibigay ng mga matitindi at mga nakakakabang eksena. Isang masigabong palakpakan para sa inyo,” sabi ng Twitter user na si @TeamApollo.

Sabi naman ni @MGardoze, “Nananatiling no. 1 ang ‘Ang Probinsyano’ dahil kakaiba ang husay at diskarte ng bawat eksena. Grabe ang mga pasabog!”

“World-class performance ang laging binibigay ng ‘Ang Probinsyano.’ Araw-araw kang mapapahanga sa kwento at cast,” tweet naman ni @AnneDeTorres.

Tinutukan nga ng mas maraming Pilipino ang maaksyong pagsagip ni Cardo (Coco Martin) sa mga miyembro ng Special Action Force na sina Geraldo (Ejay Falcon) at Katarina (Louise Delos Reyes) mula sa kamay ni Alakdan (Jhong Hilario). Ngunit hindi pa rin sigurado ang kanilang kaligtasan dahil sama-sama na ang buong puwersa ng Pulang Araw upang tugisin sila.

Magkaroon pa kaya ng oras si Cardo na mailigtas sila? Ito na kaya ang oras na mabubuko ang kanyang misyon?

Huwag palampasin ang mga maaaksyong tagpo sa nangungunang serye sa bansa na “FPJ’s Ang Probinsyano,” gabi-gabi sa ABS-CBN at ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Para past episodes ng program, pumunta lamang sa iWanTV at sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.