• LUNES - BYERNES PAGKATAPOS NG TV PATROL
  • LUNES - BYERNES PAGKATAPOS NG TV PATROL
Coco at Maja, may 'Ligtas Tips' laban sa mga kriminal
Isang pagpapaalala ang inihahandog ng nangungunang teleserye sa bansa na “FPJ’s Ang Probinsyano” para sa mga manonood sa kampanya nitong “Ligtas Tips: Paala ng Probinsyano,” na naglalayong makapagbigay-alam sa mga mamamayan upang makaiwas sa pambibiktima ng masasamang loob.

Kamakailan nga ay ipinalabas na sa serye ang tips nina Cardo (Coco Martin), Glen (Maja Salvador), at Onyok (Simon Pineda) kung saan inisa-isa nila ang mga paraan upang maging alerto laban sa "budol-budol" gang, kidnappers, at pag-iingat sa pagsakay sa taxi.

Bukod sa tv plugs, may infographics din na maaaring i-share ng netizens upang ipakalat ang tips na ito at bigyang kaalaman ang kanilang mga mahal sa buhay. Pwedeng ma-access ang mga ito sa show page ng programa sa www.abs-cbn.com.

At sa pagpapatuloy ng kwento, tuluyan na ngang tinapos ni Jonas (Jake Cuenca) ang buhay ni Andrew (Elmo Magalona) matapos akusahan ito ng pagtatraydor sa kanilang grupo. Ngunit hindi naman hahayaan ni Cardo na may iba pang masaktan at gagawin ang lahat upang maparusahan ang kanilang grupo sa pagkakasala nila sa batas.

Tuluyan na nga kayang mabisto ni Cardo ang mastermind ng illegal drug trade? Ano kaya ang kanyang gagawin pag nalaman niyang sangkot sa krimen si Joaquin (Arjo Atayde) at ang lolo nitong si Emilio (Eddie Garcia)? Huwag palampasin ang mga ma-aksyong tagpo sa numero unong primetime teleserye, “FPJ’s Ang Probinsyano,” gabi-gabi sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Pwede ring mapanood ang past episodes ng palabas sa iWanTV.com o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.