• LUNES - BYERNES PAGKATAPOS NG TV PATROL
  • LUNES - BYERNES PAGKATAPOS NG TV PATROL
Jake Cuenca, sangkot sa bentahan ng droga sa 'FPJ's Ang Probinsyano"
May panibagong kasasabikan muli ang mga manonood tuwing gabi ngayong nagbabalik-telebisyon na ang Kapamilya actor na si Jake Cuenca sa nangungunang primetime teleserye sa bansa, ang “FPJ’s Ang Probinsyano.”

Napapanood si Jake bilang si Jonas, isang rebeldeng anak na mayroong matinding hinanakit sa pamilya. At sa kanyang pag-iisa, pinili nitong maging drug dealer sa ilalim ng pamumuno ni Don Emilio (Eddie Garcia) kung saan kanyang pinuputirya ang malalaking clubs upang makasigurong makakalap ng maraming customers at malaking kita.

Samantala, bukod kay Jake, dapat ring abangan ang tambalan nina Elmo Magalona at Janella Salvador na magdadagdag ng kilig sa serye na siguradong ikatutuwa ng kanilang masusugid na tagasuporta. At bagama’t hindi pa nagkikita ang kanilang mga karakter, naging matindi na ang reaksyon ng JanElmo fans sa online world at agad ipinaramdam ang kanilang pagkasabik sa pagiging parte ng magkapareha sa palabas.

Sa pagpasok ng mga bagong karakter sa serye, handa na ba si Cardo (Coco Martin) na harapin ang mga panibagong panganib sa kanyang buhay? Mangyari na kaya ang inaabangang paghaharap nila ni Jonas?

Huwag palampasin ang mga ma-aksyong tagpo sa numero unong primetime teleserye, “FPJ’s Ang Probinsyano,” gabi-gabi sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Pwede ring mapanood ang past episodes ng palabas sa iWanTV.com o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.