• LUNES - BYERNES PAGKATAPOS NG TV PATROL
  • LUNES - BYERNES PAGKATAPOS NG TV PATROL
FPJ’S Ang Probinsyano” celebrates a year of success, remains number one in Filipino’ hearts

FPJ’s Ang Probinsyano” officially turns one!

After a year of airing on television, ABS-CBN’s “FPJ’s Ang Probinsyano” remains as the undisputed number one primetime series in the country, with more viewers nationwide tuning in to Cardo’s (Coco Martin) story of love for family and for the country every night.

As it marks its first anniversary, big surprises await viewers as ABS-CBN’s brightest stars come together and thank fans for their unwavering support for the Kapamilya series live at the Araneta Colisuem on October 8 (Saturday).

Witness the whole cast of “FPJ’s Ang Probinsyano” led by Coco Martin with Susan Roces, Maja Salvador, Arjo Atayde, Simon “Onyok” Pineda, McNeal “Awra” Briguela, John Prats, Yassi Pressman and Bela Padilla as they show their love for the program’s fans. Joining them are Pepe Herrera, Agot Isidro, Albert Martinez, and Eddie Garcia.

The biggest names in the industry will also be present to give thanks to supporters as loveteams James Reid and Nadine Lustre (JaDine), Elmo Magalona and Janella Salvador (ElNella), and McCoy De Leon and Elisse Joson (McLisse), with the country’s finest artists Gary Valenciano, Ogie Alcasid, Vina Morales, Ayen Laurel, and other “ASAP” singers give out spectacular performances.

It’s Showtime’s” Vice Ganda, Vhong Navarro, and all-male group Hashtags will also be there to serve up laughter and good vibes.

To get free tickets to the event, just go to the ABS-CBN Center Road this Saturday and Sunday (October 1 and 2) from 1PM until 7PM.

Since it aired in September 2015, the series starring Coco Martin has kept its reign in national TV ratings and still holds the record for the highest nationwide rating for 2016 — 46.7% — which it got last February.

The series is not only a television success as it consistently tops the list of trending topics on Twitter and has garnered 11.7 million views on iWant TV.

With scenes reflecting the daily lives of Filipinos, “FPJ’s Ang Probinsyano” has touched the hearts of Filipino families and has inspired them to become better citizens of the country.

It also continued to influence audiences nationwide, with the House of Representatives commending the ABS-CBN primetime series for its efforts to promote crime awareness and prevention among viewers. It even endorsed Coco Martin as “Celebrity Advocate for a Drug-Free Philippines.” In the House Resolution No. 358 filed last September 14, Rep. Ace Barbers commended the producers, cast, and crew of “FPJ’s Ang Probinsyano” for courageously presenting relevant and controversial issues to viewers every night. He also recognized the show’s campaign “Ligtas Tips” where the lead stars give tips to viewers to prevent them from falling victims to syndicates.

Aside from the recognition given by the Congress, “FPJ’s Ang Probinsyano” has also been recognized by several award-giving bodies for its stars’ stellar performances and the show’s top-caliber production. Some of which are Gawad Tanglaw, Anak TV Awards, Paragala Awards, and UmalohokJUAN Awards.

Thankful for the success of the ABS-CBN series, Coco has led several outreach programs to send love and help to Kapamilyas in need. Last January, he visited Brgy. 155 Zone 14 in Tondo and gave out several relief goods to residents devastated by a fire on New Year’s Day. He also sent out help to residents of Brgy. Irisan in Baguio last March.

In June, meanwhile, Coco led the launch of “Saludo sa Pamilyang Pilipino: Oplan Balik Eskwela 2016” where he donated school supplies and teaching aids to Paradise Farm Elementary School.

More explosive surprises await viewers as Cardo starts to investigate the bloody ambush of Verna (Agot Isidro) and Rachel (Belle Mariano), just after his heart-stopping bout with Eric (Paulo Avelino).

How will Cardo be able to find the suspect in the incident that happened to Verna and Rachel? What will Tomas (Albert Martinez) do to take revenge on the perpetrator?

Watch out for the action-packed scenes in the number one teleserye, “FPJ’s Ang Probinsyano,” weeknights on ABS-CBN or on ABS-CBN HD (SkyCable Ch 167). Viewers can also catch up on the program’s past episodes via iWanTV.com and skyondemand.com.ph for Sky subscribers.

Buong cast ng “FPJ’s Ang Probinsyano” maghahandog ng pasasalamat sa Araneta… “FPJ’S ANG PROBINSYANO” ISANG TAON NANG NUMERO UNO SA PUSO NG PAMILYANG PILIPINO

Matapos ang isang taong pag-ere sa telebisyon, patuloy pa ring sinusubaybayan ng pamilyang Pilipino ang kuwento ng kabayanihan at ang mga aral na dala ng “FPJ’s Ang Probinsyano,” kaya naman nananatili ito bilang numero unong teleserye sa bansa.

At bilang selebrasyon sa isang taong pamamayagpag ng serye, isang engrandeng pagtitipon ng mga bituin ang magaganap ngayong October 8 (Sabado) sa Araneta Coliseum kung saan kapanapanabik na performances ang ihahandog ng cast ng “FPJ’s Ang Probinsyano” kasama ang iba’t-ibang Kapamilya stars.

Huwag palampasin ang Idolo ng Masa na si Coco Martin kasama sina Susan Roces, Maja Salvador, Arjo Atayde, Simon “Onyok” Pineda, McNeal “Awra” Briguela, John Prats, Yassi Pressman, Jaime Fabregas, pati na rin sina Bela Padilla, Pepe Herrera, Agot Isidro, Albert Martinez, at Eddie Garcia na mag-aabot ng taos-pusong pasasalamat para sa walang sawang suporta ng mga manonood.

Mapupuno rin ng liwanag ang Araneta sa pagsasama-sama ng pinakamalalaking bituin ng industriya gaya ng loveteams na sina James Reid at Nadine Lustre (JaDine), Elmo Magalona at Janella Salvador (ElNella), at McCoy De Leon at Elisse Joson (McLisse) kasama ang pinakamagagaling na singers ng bansa na sina si Gary Valenciano, Ogie Alcasid, Vina Morales, Ayen Laurel at iba pang “ASAP” stars.

Matinding tawanan naman ang ihahatid ng “It’s Showtime” family kasama sina Vice Ganda, Vhong Navarro, at all-male group na Hashtags na magdadala ng good vibes sa mga manonood.

Para makakuha ng libreng tickets, pumunta lamang sa ABS-CBN Center Road ngayong Sabado at Linggo (Oktubre 1 at 2) mula 1PM hanggang 7PM.

Mula nga noong Setyembre 2015, hindi natinag sa paghataw sa national TV ratings ang seryeng pinagbibidahan ni Coco Martin at kasalukuyang hawak pa rin ang pinakamataas na nationwide rating ngayong taon na 46.7% na naitala nito noong Pebrero.

Sabay din dito ang gabi-gabi nitong pangunguna sa trending topics sa Twitter at ang pag-ani nito ng humigit-kumulang 11.7 million views sa iWant TV, patunay sa matinding tagumpay nito hanggang sa online world.

Patuloy na sinusubaybayan ang kuwento ng kabayanihan ng pulis na si Cardo (Coco Martin) gabi-gabi hindi lang dahil sa mga maiinit na eksena nito, kung hindi pati na rin sa pagpapahalagang ipinapakita nito para sa pamilya at sa kulturang Pilipino.

Kaya naman pinuri kamakailan ng kongreso ang “FPJ’s Ang Probinsyano” para sa pagpapalaganap nito ng crime awareness at prevention at inendorso ang bida ng serye na si Coco upang maging “Celebrity Advocate for a Drug-Free Philippines.” Kinilala rin sa inihaing House Resolution No. 358 ni Rep. Ace Barbers ang crime awareness campaign ng “FPJ’s Ang Probinsyano” na “Ligtas Tips” kung saan nagbibigay ng tips ang mga bida ng serye sa mga manonood upang maiwasang mabiktima ng mga kilalang sindikato.

Bukod din sa pagkilala ng kongreso para sa teleserye, ilang award-giving bodies na rin ang kumilala sa husay ng mga aktor at sa mga dekalibreng eksena nito gaya ng Gawad Tanglaw, Anak TV Awards, Paragala Awards, at UmalohokJUAN Awards.

Bilang pasasalamat naman sa walang sawang suporta ng mga manonood para sa Kapamilya serye, ilang outreach programs ang inilunsad sa pangunguna ni Coco upang maipadama ang saya at pagmamahal ng buong produksyon para sa mga tagasubaybay.

Isa na nga rito ang pamamahagi niya ng tulong sa mga nasunugan noong bagong taon sa Brgy. 155 Zone 14 sa Tondo at sa mga Kapamilyang nangangailangan sa Brgy. Irisan sa Baguio nito namang Marso. Inilunsad din ang “Saludo sa Pamilyang Pilipino: Oplan Balik Eskwela 2016” noong Hunyo kung saan namigay si Coco ng ilang school supplies at teaching aids na makatutulong upang mas mapaganda pa ang paaralan.

Marami pa ngang pasabog na dapat abangan ang mga manonood sa primetime series. Matapos ang makapigil-hiningang paghaharap nina Cardo at Eric (Paulo Avelino), ang hindi inaasahang pag-ambush naman kay Verna (Agot Isidro) at anak nitong si Rachel (Belle Mariano) ang kanyang haharapin.

Mahanap kaya ni Cardo ang salarin sa likod ng pagkakapahamak nina Verna at Rachel? Ano naman kaya ang gagawin ni Tomas upang matugis ang may pakana ng insidente?

Huwag palampasin ang mga maaksyong tagpo sa numero unong primetime teleserye, “FPJ’s Ang Probinsyano,” gabi-gabi sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Pwede ring mapanood ang past episodes ng palabas sa iWanTV.com o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.