• LUNES - BYERNES PAGKATAPOS NG TV PATROL
  • LUNES - BYERNES PAGKATAPOS NG TV PATROL
5 Life Lessons from Lola Kap- Part 2
4. Mahalaga ang pakikipagtulungan.
 


Pagkatapos manalo sa basketball, ipinagmalaki ni Onyok sa kanyang pamilya na siya ang dahilan kung bakit sila nanalo. Binanggit din niya na siya lang ang magpapanalo sa kanilang pangkat sa mga susunod nilang laro. Dahil dito, pinaliwanag ni Lola Kap kay Onyok ang kahalagahan ng teamwork o pakikipagtulungan, sa laro man o sa buhay.
 

5. Mahalin at tanggapin ang kapwa kahit ano pa man sila.


Kinausap ni Lola Kap si Makmak pagkatapos siyang tuksuhin ng kanyang mga kaklase na bakla. Pinaalalahan ni Lola Kap si Makmak na hindi siya dapat matakot na magkwento sa kanyang pamilya kung ano ang tunay niyang nararamdaman dahil lagi silang handa makinig sa kanya. Pinagsabihan ni Lola Kap si Makmak na mahal at tanggap nila kung ano man siya.

‘Wag palampasin ang iba pang mga aral ni Lola Kap sa “FPJ’s Ang Probinsyano”, gabi-gabi Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng “TV Patrol” sa ABS-CBN Primetime Bida.

1 I 2