• LUNES - BYERNES PAGKATAPOS NG TV PATROL
  • LUNES - BYERNES PAGKATAPOS NG TV PATROL
5 Life Lessons from Lola Kap

Gabi-gabi sa “FPJ’s Ang Probinsyano”, maraming aral ang ibinabahagi ni Kapitana Flora Borja-de Leon (Susan Roces) o mas kilalang Lola Kap kina Onyok (Simon), Makmak (McNeal “Awra” Briguela) at sa ating mga manonood. Nagsisilbi siyang napakabuting halimbawa sa mga mas nakakabata sa kanya kung paano makitungo sa kapwa. Ngayong araw na ito, balikan natin ang lima sa mga mahahalagang aral ni Lola Kap.

1. Hindi kailanman tama ang manakit ng kapwa tao.
 


Hindi napigilan ni Cardo (Coco Martin) ang kanyang sarili at nasuntok ang kapwa pulis na si Police Senior Inspector Dino Robles (Marc Acueza) matapos nitong barilin si Dencio (Tutti Caringal), ang lalaking sumuko pagkatapos manghostage ng mga bata. Pag-uwi, pinagsabihan ni Lola Kap si Cardo at pati na rin si Onyok. Pinaalalahanan niya ang dalawa na masama ang manakit ng kapwa tao.

2. Ang paggawa ng mali ay may kaparusahan.


Pinakulong ni Lola Kap si Benny (Pepe Herrera) pagkatapos niyang malaman na nagsinungaling ito sa kanya at nagbebenta ng mga bawal na paputok kahit na ipinagbawal na ang mga ito sa kanilang barangay. Pinatunayan ni Lola Kap na kahit kapamilya at kakilala ka pa, ang hindi pagsunod sa mga patakaran ay laging may katumbas na kaparusahan.

3. Masama ang mang-api ng kapwa.


Pinagsabihan ni Lola Kap si Onyok dahil umuwi itong basang-basa pagkatapos makipaglaro sa mga kaklase ni Makmak. Binanggit ni Onyok na hindi naman siya agad-agad magkakasakit dahil hindi naman siya bakla kagaya ni Makmak. Dahil dito, pinayuhan niya si Onyok na umiwas sa mga taong hindi mabuting halimbawa dahil hindi kailanman naging tama ang manlamang at magsabi ng masasamang bagay laban sa kapwa.

1 I 2