• EVERY WEEKENDS AT 9PM
  • EVERY WEEKENDS AT 9PM
Serye nina Lovi at Piolo na “Flower Of Evil,” tinututukan

Inaabangan na ng mga manonood ang susunod na mga rebelasyon sa Flower of Evil”” matapos itong masama sa listahan ng top-rated shows sa Viu kasabay ng pag-premiere ng serye noong Hunyo 23. 

Kinasabikan ng netizens ang takbo ng serye, na pinagbibidahan nina Lovi Poe at Piolo Pascual.

 

 

 

 

 

 

Napapanood ang serye sa Viu 48 oras bago ito ipalabas sa TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, at A2Z, kung saan ipinakilala sa unang dalawang episode ang pamilya nina Iris at Jacob (Piolo at Lovi), kasama ang anak nilang si Luna (Sienna Stevens). Tila perpekto ang buhay ng mag-asawa, kaya maski ang mga kasamahan ni Iris sa trabaho ay kinaiinggitan sila.

Ngunit, unti-unting nasisiwalat ang komplikado nilang relasyon dahil sa patuloy na paglihim ni Jacob ng totoo niyang pagkatao bilang si Daniel Villareal, ang suspect sa isang murder case. 

Una, kaduda-duda ang hindi maayos na samahan ni Jacob sa mga magulang niyang sina Henry at Carmen (Edu Manzano at Agot Isidro). Ngayon, nanganganib ang sikreto ni Jacob dahil namukhaan siya ni Rico (Joross Gamboa), isang dating kaibigan na may alam sa kaso niya at ngayon ay reporter na. 

Dahil natatakot siyang isuplong siya ni Rico, nagdesisyon si Jacob na gawing bihag ito nang walang nakakaalam. Subalit, umpisa pa lang ito ng mga kailangan pagtakpan ni Jacob dahil mapupunta kay Iris ang isang kasong maaaring konektado sa kanyang asawa.

Magsisimula na ba ang pagdududa ni Iris kay Jacob? Ano ang gagawin ni Jacob kay Rico para hindi nito ibulgar ang totoong pagkatao niya?

Subaybayan ang Flower of Evil first on Viu kada Huwebes at Biyernes ng 8 PM, at sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, at A2Z kada Sabado at Linggo ng 9 PM.