Nitong Linggo (Hunyo 27) sa Everybody Sing!, isang grupo ng security guards ang nakasama sa kantahan at kwentuhan ni Vice Ganda, na nag-ala music icon na si Cher. Bigo man silang maiuwi ang jackpot prize, nag-uwi pa rin sila ng P20,000 bukod sa indibidwal na cash prize na nakuha sa mga naunang rounds.
Samantala, mas maaga nang mapapanood ang Everybody Sing! simula ngayong weekend sa bago nitong timeslot na 7 pm hanggang 8:30 pm sa parehong Sabado at Linggo. Kaya naman mas mahaba na ang kantahan at tawanan kasama si Vice Ganda at ang songbayanan sa first community game show sa bansa na may layuning bigyang-diin ang kahalagahan ng bayanihan at pagtutulungan, lalo na sa panahon ng pandemya.
Sino-sino kaya ang bubuo sa songbayanan ngayong weekend? Abangan ang Everybody Sing! kasama si Vice Ganda at ang resident band na Six Part Invention tuwing 7 pm ng Sabado at Linggo sa A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at TFC.