Tampok sa Everybody, Sing! ang iba’t ibang sektor ng komunidad na apektado ng pandemya tulad ng grocery frontliners at fitness instructors na nagsilbing Songbayanan noong Sabado (Hunyo 19) at Linggo (Hunyo 20).
Parehong nakakuha ng P30,000 sa jackpot round ang dalawang grupo, bukod sa kani-kaniyang nakuhang premyo ng mga indibidwal sa mga naunang round. Naghatid rin ng saya ang paglabas ni Vice Ganda nang nakadamit bilang Diana Ross at Betty Boop.
Orihinal na konsepto ng ABS-CBN at tunay na Pinoy made ang Everybody, Sing! na may layuning bigyang-diin ang kahalagahan ng bayanihan at pagtutulungan, lalo na sa panahon ng pandemya.
Sinu-sino kaya ang bubuo sa songbayanan sa susunod na linggo? Abangan sa Everybody, Sing! tuwing Sabado, 8 pm at Linggo, 7:30 pm sa A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at TFC. Para sa latest tungkol sa “Everybody, Sing!” i-follow ang @EVERYBODYSINGPH sa Facebook, Twitter, at Instagram.