Lubos ang pasasalamat ni Vice Ganda sa songbayanan ng seafarers na naglaro noong nakaraang Agosto 7 sa “Everybody, Sing.”
Sa episode noong Sabado, na napanood sa Kapamilya Channel at A2Z, naka-bonding ni Vice ang mga Pilipinong naglalayag sa iba-ibang panig ng mundo at tinitiis ang maging malayo sa pamilya para maghanapbuhay.
“Sana’y nalibang kayo kahit paano. Ang hangad ko at panalangin ay nawa’y magtagumpay pa kayo sa mga pinasok niyong trabaho at sana ligtas kayo sa pagbabalik n'yo sa inyong mga barko,” ika niya.
Hindi pinalad mahulaan ang sampung awitin sa jackpot round ng songbayanan ngunit nag-uwi pa rin sila ng P35,000, bukod pa sa indibidwal na cash prize na natanggap ng bawat player sa mga naunang round.
Daragdag sila sa mga Pilipinong naapektuhan ang hanapbuhay dahil sa pandemya na kahit papaano ay nabigyan ng saya, pagkilala, at tulong ng community singing game show ng ABS-CBN kung saan lahat ay nagtutulungan at walang umuuwing luhaan.
Samantala, hangad ding matulungan ng “Everybody, Sing” ang iba pang sektor na lubos na apektado ng pandemya tulad ng construction workers, national athletes, pageantry winners, stage performers, at vloggers. Sa mga nais sumali sa game show, mag-message sa Facebook page ng “Everybody, Sing” (Facebook.com/EverybodySingPH) o mag-email sa everybodysingsph@gmail.com. Bukas din ang programa sa mga komunidad at organisasyon na gusto maglaro at makakabuo ng 25 players.
Anong grupo kaya ang susunod na makikikanta? Sila na kaya ang susunod na mananalo ng P500,000 jackpot prize? Abangan sa “Everybody, Sing” kasama si Vice Ganda at ang resident band na Six Part Invention tuwing 7 pm ng Sabado at Linggo sa A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at TFC. Para sa latest tungkol sa “Everybody, Sing” i-follow ang @EVERYBODYSINGPH sa Facebook, Twitter, at Instagram.