Biglang naging emosyonal ang episode ng Everybody, Sing! noong Linggo (Hulyo 11) dahil sa sorporesang pagregalo ni Vice ng P100,000 para sa mga kasambahay na naglaro bilang songbayanan.
Dahil dalawa lamang ang nahulaang kanta sa jackpot round, P10,000 lamang ang dapat mapanalunan ng grupo. Ngunit dahil malapit sa puso ni Vice ang mga kasambahay, nagbigay ito ng dagdag na premyo bilang pasasalamat sa kanilang marangal na pagtatrabaho at para rin lumaki naman ang paghahatian nilang cash prize.
Ayon kay Vice, kahit hindi man nila pinangarap na magtrabaho bilang kasambahay, ang mahalaga ay nagsusumikap sila para mabigyan ng magandang kinabukasan ang sarili at pamilya.
“Nasisiguro ko maganda ang intensyon ninyo. Ang intensyon ninyo ay mapaganda ang buhay ninyo at buhay ng mga mahal ninyo,” aniya sa community singing game show na napapanood sa A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at TFC.