Hindi pinalad na makamtan ang jackpot ang songbayanan ng tourism industry workers na naglaro noong Sabado (Setyembre 4) sa Everybody, Sing!. Tatlo lamang ang nakuha nilang awitin sa huling round pero bitbit nila pauwi ang bagong karanasan at bagong pag-asa.
“Sanay manumbalik na ang sigla ng turismo sa Pilipinas at sa buong mundo nang manumbalik na rin ang mga trabaho ng marami, manumbalik ang sigla nating lahat at maging masaya ang buhay natin at makabisita ng maraming magagandang lugar ulit sa Pilipinas,” sabi ni Vice Ganda sa kanila.
IN PHOTOS: Vice Ganda as Princess Poppy on Everybody Sing
Ngayong Sabado (Setyembre 11) at Linggo (Setyembre 12), ang songbayanan ng pageant winners at national athletes naman ang magbabahagi ng kanilang kwento at kakanta para sa jackpot sa “Everybody, Sing,” 7 pm sa Kapamilya Channel, A2Z, Kapamilya Online Live, TFC, at iWantTFC.