Maganda ang naging katapusan ng unang season ng award-winning community singing game show ng ABS-CBN na “Everybody, Sing!” sa pagkapanalo ng P2 milyon ng 100 Taal survivors noong Linggo (Oktubre 10) sa Kapamilya Channel at A2Z.
May 17 segundo pang natitira sa oras nang makumpleto ng grupo ang sampung tamang song titles para maging ikapitong jackpot winner ng programa, at unang jackpot winner sa “100 Songbayanan Special,” na mga episode na kinuhaan bago pa ang pandemya.
Nakipagdiwang at yakapan ang host na si Vice Ganda sa songbayanan, na noong panahong iyon ay nagsisimula pa lamang bumangon sa kanilang sinapit sa pagsabog ng bulkang Taal. Kabilang sa kanila sina Warren at Kathrina, na kaka-silang pa lang ng anak.
“Nagpapasalamat po kami sa programang ito na binigyan n'yo kami ng pagkakataon. Maraming, maraming salamat po lalong-lalo na kay Lord tsaka sa ‘yo Vice,” mangiyak-ngiyak na sinabi ng Batanguena kay Vice.
Nagpasalamat din ang kababayan nilang si Jay R sa kanilang karanasan sa show. “Maraming, maraming salamat Vice. Pinasaya mo na kami binigyan mo pa kami ng pagsisimulan para makabangon kaming mga taga-Batangas.”
“Maraming salamat po at ang programang ito ay naging dahilan kahit sandali lamang na kayo ay makapaglibang, makalimot ng kaunting sandali sa takot na naramdaman ninyo at sa lungkot na naramdaman ninyo sa mga pangyayaring ito,” sagot naman sa kanila ni Vice.
Dagdag pa ng 2021 Asian Academy Creative Awards national winner for Best Entertainment Program Host, “Masayang-masaya ho kaming lahat na tayo ngayon ay umiiyak dahil masaya. Hindi na umiiyak dahil natatakot, hindi umiiyak dahil malungkot, hindi na umiiyak dahil may nasalanta. Umiiyak tayo dahil tayong lahat ay nagdidiwang at nagbubunyi.” Samantala, hinirang naman bilang national winner para sa Best Music/Dance Program ang “Everybody, Sing!”
Si Vice ang nanguna sa paghahatid ng liwanag at ligaya sa 32 iba-ibang sektor na naglaro sa “Everybody, Sing,” na pawang mga grupong lubos na naapektuhan ng pandemya o kaya mga bagong bayani ng bansa.
Bago ang Taal survivors, nanalo na rin ng jackpot ang mga songbayanang community pantry volunteers, massage therapists, teachers, PUV drivers, call center agents, at factory workers. Bilang pagsunod sa COVID-19 protocols, tig-25 players na lang sila at naghati-hati sa premyong P500,000 sa jackpot round.
Pwede pang balikan ang full episodes ng season finale ng “Everybody, Sing!,” na isang orihinal na format mula sa ABS-CBN, sa ABS-CBN Entertainment YouTube Channel at iWantTFC.
Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide.
On-demand viewing of programs' full episodes is available on iWantTFC. Just download the app on Google Play or App Store, or visit iWantTFC.com.
Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.
The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.
Viewers outside of the Philippines can also catch it on The Filipino Channel on cable and IPTV.