Hindi mapigilan ang hiyawan nina Vice Ganda at ng songbayanan na massage therapists matapos nilang makuha ang P500,000 na jackpot prize kagabi (Hunyo 26) sa Everybody, Sing! na napapanood sa Kapamilya Channel, A2Z, Kapamilya Online Live, at iWantTFC.
Sa loob ng 86 segundong naipon mula sa naunang rounds, nakuha ng mga masahista ang lahat ng awiting pinahula ni Vice para maging ikalawang jackpot winner mula nang nagsimula ang programa.
“Dito talaga, pagtulong tulong, pag-iisa lang ang minimithi, walang nag-aaway, at iisa lamang ang objective, everybody wins,” ani Vice na nagdamit bilang Cleopatra sa community singing game show.
Sa kanilang kwentuhan kasama ang Unkabogable star, ibinahagi ng songbayanan kung paanong nabawasan ang kanilang kita ngayong pandemya dahil sa mga umiiral na quarantine restrictions. Gayunpaman, nananatili silang masayahin. Kwento ng isa sa kanila, namasahe na niya ang aktor na si Carlo Aquino. Hirit naman ng isa, pangarap niyang maging kostumer si Coco Martin dahil kamukha raw ito ng mga naging kliyente niya sa Lebanon.
Sobra sobra naman ang galak ni Vice sa kanilang pagkanalo. “Sana ang napanalunan niyo dito ay magsilbing panimula ninyo para makabangon muli. We claim it. Makakabangon kayo muli.”
Orihinal na konsepto ng ABS-CBN at tunay na Pinoy made ang Everybody Sing! na may layuning bigyang-diin ang kahalagahan ng bayanihan at pagtutulungan, lalo na sa panahon ng pandemya.
Sinu-sino kaya ang bubuo sa songbayanan sa susunod na linggo? Abangan sa Everybody, Sing! kasama si Vice Ganda at ang resident band na Six Part Invention tuwing Sabado at Linggo sa A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at TFC.
Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide.
On-demand viewing of programs' full episodes is available on iWantTFC. Just download the app on Google Play or App Store, or visit iWantTFC.com.
Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.
The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.
Viewers outside of the Philippines can also catch it on The Filipino Channel on cable and IPTV.