Noong Linggo (Hunyo 13) sa Everybody, Sing!, P30,000 ang naiuwi ng mga delivery rider sa jackpot round, na anim lamang ang nahulaan sa sampung kanta.
Kabilang sa kanila ang rider na si Marvin Ignacio na nasangkot sa viral ‘lugaw’ incident pati na ang rider na si Jeffrey na kumalat din ang larawan sa social media habang kinakain ang kinanselang order ng kostumer sa gilid ng isang fast food.
Ani Jeffrey, matapos mag-viral, maraming nagpaabot ng tulong pinansyal sa kanya pero nagdesisyon siyang ibahagi ito sa iba pang nangangailangan.
“Pinamigay ko rin, Ma’am [Vice]. Nagpamigay din po ako ng sampung sako ng bigas sa mga ka-lugar ko,” ani Jeffrey.
Orihinal na konsepto ng ABS-CBN at tunay na Pinoy made ang “Everybody Sing!” na may layuning bigyang-diin ang kahalagahan ng bayanihan at pagtutulungan, lalo na sa panahon ng pandemya.
Abangan sa “Everybody, Sing!” tuwing Sabado, 8 pm at Linggo, 7:30 pm sa A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at TFC.