Perpekto ang marka sa jackpot round ng mga gurong songbayanan ng Everybody, Sing! nitong Hulyo 18 (Linggo) kaya sila ang pangatlong winner ng P500,000 sa community singing game show ng ABS-CBN kasama si Vice Ganda.
Hindi magkamayaw ang palakpakan at sigawan dahil sa naging A+ at bibong performance ng mga titser sa show, na napapanood sa A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at TFC.
Ani Vice na nagdamit ala Elsa ng “Frozen,” nararapat na ipagbunyi ng mga guro ang kanilang pagkapanalo dahil ‘deserve’ nila ang P500,000 jackpot prize.
“Naging mahirap para sa mga mag-aaral ang matutuo dahil sa mahirap na online schooling, pero naging mahirap din ito para sa inyong mga guro. Kaya naman, maraming salamat sa pagtitiis ninyo. Deserve ninyo pumalakpak, sumigaw, at magtatatalon,” wika ni Vice.
Aling songbayanan kaya ang susunod na mananalo ng kalahating milyon? Abangan ang Everybody, Sing! kasama si Vice Ganda at ang resident band na Six Part Invention tuwing 7 pm ng Sabado at Linggo sa A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at TFC.