• SATURDAY AND SUNDAY AFTER TV PATROL WEEKEND
  • SATURDAY AND SUNDAY AFTER TV PATROL WEEKEND
Mga pharmacist at empleyado ng botika, wagi ng P2 milyon sa "Everybody, Sing!"

Maagang sumapit ang Pasko para sa songbayanan ng mga pharmacist at empleyado ng botika nang maiuwi nila ang jackpot prize na P2,080,000 sa "Everybody, Sing!" noong Sabado at Linggo (Nobyembre 18 at 19).

Everybody Sing

Sa pre-jackpot round noong Sabado, nanalo ang mga kalahok ng P80,000 matapos mahulaan ang walong kanta. Sa jackpot round naman noong Linggo, nahulaan ng songbayanan ang labindalawang kanta sa loob ng 70 na segundo na nagdagdagan pa ng 10 na segundo pagkatapos makuha ang bonus na kanta. Nanalo sila ng P2 million jackpot prize matapos hulaan ng tama ang “Best Time” ng BGYO.

Everybody Sing

“When you go to your workplace, maraming pagkakataon na ang bigat ng energy ng kinakausap niyo, lahat sila may pinagdadaanan. Ang mahirap doon ‘yung energy na humaharap sainyo araw-araw, minsan nakukuha niyo ‘yun. Kaya tonight, this is your break. Uuwi tayong masaya,” sabi ni Vice Ganda sa emosyonal na songbayanan.

Bukod sa songbayanan na ito, tatlong grupo lamang ang nanalo ng P2,000,000 jackpot prize sa ikatlong season ng palabas, ang songbayanan ng mga mag-ama, Manila fire survivors, at mangangalakal

Abangan ang “Everybody, Sing!”,  ang Best Asian Original Game Show sa ContentAsia Awards 2023, tuwing weekend sa A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, TV5, iWantTFC, at TFC IPTV.