• SATURDAY AND SUNDAY AFTER TV PATROL WEEKEND
  • SATURDAY AND SUNDAY AFTER TV PATROL WEEKEND
Mga mag-ama, nanalo ng P2 million jackpot sa “Everybody Sing!”

Umulan ang suwerte sa Father’s Day nang nasungkit ng mga mga-amang songbayanan ang P2,140,000 jackpot prize at ang unang grupong nanalo sa ikatlong season ng “Everybody, Sing!” noong Linggo (Hunyo 18).

Sa jackpot round, ang mga kalahok ay may 115 segundo para hulaan ang 13 na kanta. Sa natitirang 12 segundo, matagumpay nilang nahulaan ang huling kantang "Paano Ba Ang Magmahal," kung kaya’t naiuwi nila ang P2 milyon noong Linggo kasama ang P140,000 na premyo noong Sabado.

Everybody Sing

"'Yung pagmamahal niyo sa inyong mga anak, at sa inyong mga ama ang nagdala sa inyo rito at 'yan ang susi kung bakit kayo sinuwerte at nanalo," sabi ni Vice Ganda.

Everybody Sing

Abangan ang “Everybody, Sing!” tuwing weekend sa A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, TV5, iWantTFC, at TFC IPTV.