• SATURDAY AND SUNDAY AFTER TV PATROL WEEKEND
  • SATURDAY AND SUNDAY AFTER TV PATROL WEEKEND
Engaged couples, panalo ng P290K na jackpot prize noong Linggo sa “Everybody, Sing!”

Isang emosyonal na Vice Ganda ang natunghayan ng mga manonood matapos niyang balikan ang sariling engagement kay Ion Perez sa “Everybody, Sing!” noong nakaraang Sabado (Hulyo 1).

Matapos makipag-usap sa isang pares mula sa songbayanan na binubuo ng mga engaged couples, naalala ng Unkabogable Superstar kung gaano siya natakot noong niyaya siya ni Ion na magpakasal.

Ibinahagi rin ni Vice na pinakiusapan niya ang mga kaibigan na burahin ang videos ng engagement dahil sa backlash na makukuha nila, lalo na si Ion. Gayunpaman, sinabi niya na nalampasan niya na ang kanyang mga takot at ngayon ay mas bukas na siya tungkol sa kanilang relasyon.

Samantala, nabigo ang songbayanan na masungkit ang P2 milyon na jackpot prize ngunit naiuwi pa rin nila ang P290,000 bilang kanilang napanalunan.

Everybody Sing

Abangan ang “Everybody, Sing! tuwing weekend sa A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, TV5, iWantTFC, at TFC IPTV.