Sa pagtatapos ng kuwento ng pagmamahalan nina Serena at Tenten sa “Dolce Amore,” anu-ano nga ba ang hahanap-hanapin nina Enrique Gil at Liza Soberano? Ayon kay Liza, bukod sa kabuuan ng kuwento, ay mami-miss din niya ang kaniyang karakter na si Serena at ang pagiging independent at multi-lingual nito. Maging si Enrique ay mami-miss din daw si Tenten, lalo na ang pagiging bulol nito na minahal ng mga manonood. Pagbubunyag ng aktor ay ayaw sana niyang tanggalin ang kaibahang ito ni Tenten ngunit naintindihan daw niya na kailangan ding lumago ng kaniyang karakter. Ano kaya ang iba pang mami-miss ng tambalang LizQuen sa pagtatapos ng kanilang teleserye? Find out in this special interview with Liza and Enrique.