Pulot mula sa Teleserye Tatay: Dolce Amore's Uge

Ang bawat ama ay magkakaiba. Mayroong may kaya sa buhay, mayroon ding salat. May mataas ang pinag-aralan, mayroon namang hindi masyadong nakapag-aral. Ngunit magkakaiba man ay isang bagay ang nagbubuklod sa mga tatay, ang pagmamahal sa kanilang mga anak.
 
Sa Dolce Amore ay nakilala natin ang tatlong mukha ng mapagmahal na ama. Isa na rito si Tatay Uge (Andrew E.) na laging inuuna ang kapakanan ng kaniyang pamilya bago ang kaniyang sarili. 

UGE
Uge, nawalay sa kanyang pamilya

 

Mas pinili ni Tatay Uge na mawalay sa pamilya upang masiguro ang kaligtasan ng kaniyang asawa at mga anak. Bilang tatay ay handa siyang isakripisyo ang sarili mapangalagaan lang ang kaniyang mag-iina.


Pamilya Urtola, nagalit kay Tenten

 

Likas na sa isang ama na protektahan ang kaniyang mga anak sa anumang makasasakit sa mga ito. Kaya kahit pa naiintindihan ni Tatay Uge na hindi sinasadya ni Tenten na saktan si Angela (Sue Ramirez) ay kailangan niyang palayuin ang binata sa kaniyang mga anak.

 

DODOY | UGE | ROBERTO