Pulot mula sa Teleserye Tatay: Dolce Amore's Dodoy

Ang bawat ama ay magkakaiba. Mayroong may kaya sa buhay, mayroon ding salat. May mataas ang pinag-aralan, mayroon namang hindi masyadong nakapag-aral. Ngunit magkakaiba man ay isang bagay ang nagbubuklod sa mga tatay, ang pagmamahal sa kanilang mga anak. 

Sa Dolce Amore ay nakilala natin ang tatlong mukha ng mapagmahal na ama. Una na rito si Tatay Dodoy (Edgar Mortiz) na bagaman salat sa buhay ay sobra-sobra naman ang pagmamahal para sa kaniyang pamilya. 

DODOY
Tenten, pinayuhan ng kanyang mga magulang para kay Serena

 

Hangad ng lahat ng magulang ang kaligayahan ng kanilang mga anak. Kaya naman si Tatay Dodoy, todo suporta pagdating sa buhay pag-ibig ni Tenten (Enrique Gil).


Tenten, dinamayan ng kanyang pamilya matapos mabigo sa kanyang 1st love

 

Nang dumaan sa pagkabigo si Tenten ay naroon kaagad si Tatay Dodoy upang umalalay at bigyan ang anak ng rason na ngumiting muli.


Tenten at tatay Dodoy, bumuo ng isang kanta

 

Humingi ng paumanhin si Tatay Dodoy dahil sa problemang hatid ng kaniyang pagkakasakit. Bilang haligi ng tahanan ay nahihiya siyang maging pabigat sa kaniyang pamilya.

 

DODOY | UGE | ROBERTO