Sinong lucky star ang maswerteng mananalo ng milyon?
Higit kalahati na sa 20 Lucky Stars ang nakapaglaro sa hit game show na “Kapamilya Deal or No Deal” at ilan na lang ang maaring magwagi ng isang milyong jackpot.

So far, ang beteranong aktor na si Rez Cortez ang nakapag-uwi ng pinakamalaking halaga na P450,000 habang ang sexy actress na si Yam Concepcion naman ang nag-uwi na pinakamababang halaga na piso. Sino kaya kina Arlene Muhlach, Baron Geisler, Bianca Manalo, Bonito, Epy Quizon, Eric Nicolas, Long Mejia, Ramon Christopher, at Ryan Bang ang hihiranging unang milyonaryo ngayong season?

Sa dalawang linggong umeere ang KDOND ay agad itong tinangkilik ng publiko sa patuloy na pamamayagpag nito sa ratings. Bukod sa nakakamiss na tensyon habang nanonood, nakaaliw na kulit ng host na si Luis Manzano, at bagong format ng programa na unang beses na ginawa sa lahat ng ‘Deal’ franchises sa buong mundo, bagong inaabangan din ng sambayanan ang interaksyon sa pagitan ng Lucky Stars.

Kapansin-pansin na may naiibang bonding na ang mga ito sa kabila ng pagkakaiba nila ng estado bilang celebrities.

“Family talaga kami sa set. Masaya lang kami lagi kapag taping,” sabi ni Nina Jose.

“Hindi maalis sa una 'yung ilangan pero hindi ko akalain na makaka-close ko sina Kuya Monching, si Kuya Epi, at iba pang Lucky Stars. Nakabuo pa nga kami ng grupo naming magkakatabi 'dun sa taas,” sabi naman ni Matt Evans.

“Lahat sila naka-bond ko talaga. Everybody is so nice and helpful. One time nga nawala pilikmata ko, tumakbo pa talaga yan sina Donna para ikabit uli. Na-touch ako 'dun. Sobrang all-out ang suporta ng mga bagets. Maalaga sila,” kwento ni Melanie Marquez.

Pakatutukan ang “Kapamilya Deal or No Deal,” Lunes hanggang Biyernes, 5 PM sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN.

Samantala, maaari na ring panoorin ang full episodes o past episodes ng “Kapamilya Deal or No Deal” gamit ang ABS-CBNmobile. Pumunta lamang sa www.abscbnmobile.com para sa karagdagang impormasyon.