• Monday - Friday after FPJ’s Batang Quiapo
  • Monday - Friday after FPJ’s Batang Quiapo
Mga dapat abangan sa Can’t Buy Me Love

Excited na sina Donny Pangilinan at Belle Mariano sa mga dapat abangan ng manonood sa “Can’t Buy Me Love” lalo pa at mas makikilala na ng kanilang karakter ang isa’t isa.

“It’s been a whirlwind of emotions. Ang dami na ng nangyari. I’m still adjusting sa teleserye life but kahit papaano worth it ang pagod since nakikita namin na natutuwa ang viewers sa story.  It’s really exciting na our characters CarGo and the love story is about to unfold more,” saad ni Donny.

Bukod din sa kilig, isa pa raw dapat abangan ang pagkikita ng pamilya Tiu at ng kanyang community sa Tenament. 

"It's nice to see the Tiu family and the Team Binondo here in one set since our worlds are colliding na. Noong unang episodes kasi magkalayo pa so exciting yung mga darating na eksena kasi mas nagiging intense na," he stated. 

Nagpapasalamat naman si Belle sa suporta ng kanilang fans lalo pa at nakikita niya kung paano tinututukan ng manonood ang bawat detalye at rebelasyon na kanilang nalalaman sa buhay nina Bingo (Donny) at Caroline (Belle). 

"Para silang mga imbestigador sa totoo lang. Kaya nilang ipredict kung ano yung nangyayari sa story and natutuwa kami na minsan tama yung predictions pero minsan parang ay mali ka dyan. Madami pang mangyayaring katulad niyan in the future. Sobrang kaming natutuwa sa feedback niyo. Kami rin katulad din namin sila na talagang aabangang kung what's going to happen next," saad niya. 

Sa ngayon, nabuo muli ang CarGo nang humingi si Caroline ng tulong kay Bingo para linisin ang pangalan ni Charleston na ngayon ay tinuturong may kagagawan sa paghack sa Cashama App. Nalaman kasi ni Caroline na sinubukan ni Bingo ang nasabing marketing training ng totoong hacker ng business ng mga Tiu kaya naman maghahanap sila ng ebidensya laban dito pati na ang kaugnayan nito kay Edward (Enzo Pineda).

Huwag palampasin ang trending episodes ng "Can’t Buy Me Love" sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, Jeepney TV, TFC IPTV, at TV5. Maari rin ito panoorin in advance sa Netflix o iWantTFC.