• Monday - Friday after FPJ’s Batang Quiapo
  • Monday - Friday after FPJ’s Batang Quiapo
“Can't Buy Me Love” pilot nanguna sa X, nakakuha ng 454,413 live concurrent viewers

Maiinit ang pagtanggap ng viewers sa kauna-unahang teleserye ng New Gen Loveteam na DonBelle sa pilot episode ng "Can't Buy Me Love" nitong Lunes (Oktubre 17)  na nakakuha ng 454,413 live concurrent viewers at nanguna sa X (dating Twitter)  trending list nationwide. 

Hindi lang naman sa social media nanguna ang serye dahil kasalukuyang Top 1 most watched show din siya sa Netflix Philippines. 

Sa pilot episode, nakita ng viewers ang mga masalimuot na nakaraan nina Bingo at Caroline noong mga bata ito. Iniwan nga si Bingo ng kanyang ina para ayusin ang malaking utang nito habang si Caroline naman ay nakita ang inang nasaksak matapos pasukin ang kanilang bahay ng hindi kilalang tao. 

Sa pagkamatay ng ina, napilitang tumira si Caroline sa unang pamilya ng ama na simula pa lang ay ipinaintindi sa kanyang sampid lang siya sa pamilya. Samantala si Bingo naman ay kinopkop ni Lola Nene matapos niyang sagipin ito mula sa pagkakabangga. 

Unang magtatagpo ang landas ng dalawa sa engagement party ng kapatid ni Caroline na si Bettina (Kaila Estrada). Pumunta nga si Caroline dito at nagsuot ng itim para ipaalala ang death anniversary ng ina samantala gusto naman i-present ni Bingo ang kanyang ideya kay Wilson.   

Huwag palampasin ang pilot week ng "Can't Buy Me Love" sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, Jeepney TV, TFC IPTV, at TV5. Maaari rin ito panoorin in advance sa Netflix o iWantTFC.