Huling laban para sa pag-ibig nina Carlos, Mia, at Gael, simula na sa "Bridges Of Love"
Magsisimula na ang pinakamatinding laban para sa pag-ibig ng magkapatid na sina Carlos (Paulo Avelino) at Gael (Jericho Rosales) sa huling tatlong linggo ng top-rating primetime serye na “Bridges of Love.”

Matapos ang biglaang pagkamatay ni Muloy (Janus Del Prado) na naging dahilan ng hindi pagkakatuloy ng kasal nina Carlos (Paulo Avelino) at Mia (Maja Salvador), sunod-sunod nang sumasabog ang katotohanan para subukin ang tiwala, tibay ng loob, at pagmamahal ng bawat karakter sa isa’t isa.

Nabunyag na kagabi ang pinakamalaking lihim sa lahat--- ang tunay na pagkatao ni Carlos. Mismong si Carlos ang nagbulalas ng katotohanan sa mukha mismo ng kuyang si Gael sa gitna ng kanilang pagtutuos  matapos ilagay sa alanganin ni Carlos ang buhay ni Mia.
 
Paano tatanggapin ni Gael ang katotohanang ang mortal na kaaway niya ay isa palang kadugo? Mananaig pa ba ang pag-ibig niya kay Mia o mas mananaig ang pag-ibig niya sa kapatid na matagal nawalay sa kanya? Mapatawad kaya ni Carlos si Gael sa lahat ng sakit na idinulot nito sa kanya simula pagkabata?

Simula nang umere ang “Bridges of Love” sa telebisyon noong Marso ay agad na nakuha ng kwento nina Carlos at Gael ang mga manonood. Mula sa simula ng kanilang pangangarap noong sila’y bata pa hanggang sa trahedyang naghiwalay sa mga landas nila, talaga namang tinutukan ng sambayanan ang kanilang paglaki bilang dalawang magkaibang indibidwal at inabangan ang muli nilang pagkikita nang walang kaalam-alam sa tunay nilang ugnayan. Mas uminit pa ang kwento sa pagpasok ni Mia na siyang sumilab sa banggaan ng mga puso sa pagitan ng magkapatid.

Dahil sa husay ng pagkakasulat at sa dekalibreng pagkakagawa ng produksyon ng “Bridges of Love” kung kaya’t patuloy itong namamayagpag sa timeslot nito at nanatiling nasa top 5 na pinakapinapanood na programa sa bansa base sa datos ng Kantar Media. Noong Biyernes (July 17), pumalo ang programa sa all-time high national TV ratings nito na 26& kontra 11.2% ng kalaban.

Ang “Bridges of Love” din ang ang ikalawang pinakapinapanood na programa online sa video-on-demand service na iWantTV noong nakaraang buwan at nanatiling top trending topic gabi-gabi sa social media.

Sa direksyon nina Richard Somes at Will Fredo, ang dekalibreng seryeng ito ay iprinoduce ng Star Creatives, na siya ring nasa likod ng phenomenal hit dramas na “Princess and I,” “Forevermore,” “The Legal Wife,” at “Pangako Sa’Yo.”

Huwag palalampasin ang huling tatlong linggo ng “Bridges of Love,” weeknights pagkatapos ng “Pangako Sa’Yo” sa Primetime Bida ng ABS-CBN. Para sa exclusive updates, mag-log on to Twitter.com/StarCreativesTV at Instagram.com/StarCreatives_TV.

Samantala, maaari na ring panoorin ang full episodes o past episodes ng “Bridges of Love” gamit ang ABS-CBNmobile. Pumunta lamang sa www.abscbnmobile.com para sa karagdagang impormasyon.