Tampok sa Kapamilya Channel ang bagong romantic-comedy Korean series na Familiar Wife simula ngayong Lunes, June 15, 9:30 AM.
Kilalanin sina Paolo at Aileen, ang mag-asawang sawa na sa kasalukuyan nilang buhay at ‘di inaasahang babalik sa nakaraan sa isang iglap.
Isang araw pagmulat ni Paolo, makukuha niya ang inaasam niyang perpektong buhay nang ‘di kasama ang asawa.
Ngunit sa pagkukrus ng landas nila ni Aileen, na mayroon nang sariling buhay, mapagtatanto niyang kahit mahirap, masaya siya sa buhay niya noon at gagawin niya ang lahat para maibalik ito, lalo na si Aileen.