• MONDAY - FRIDAY AT 5 IN THE AFTERNOON AND 10 IN THE EVENING!
  • MONDAY - FRIDAY AT 5 IN THE AFTERNOON AND 10 IN THE EVENING!
MUSIC VIDEO: The Tale Of Nokdu OST “Baby Only You”

Magsisimula ang pag-iibigan at gulo nang magkrus ang landas ng isang lalaking nagbihis babae para sa isang mahalagang misyon at isang dalaga sa The Tale of Nokdu na mapapanood simula March 2 sa ABS-CBN.

PHOTOS: Meet the stars of The Tale of Nokdu 

Kilalanin si Nokdu (Jang Dong Yoon), isang lalaking naghahanap ng sagot sa misteryosong pag-atake ng grupo ng mga babaeng kriminal sa kanyang pamilya. 

Susundan niya ang isa sa mga kriminal hanggang sa makarating siya sa kapital ng probinsya. Dito niya makikilala si Dong Ju (Kim So Hyun), isang babaeng nagpapanggap na lalaki para patayin ang hari at makapaghiganti. Ngunit agad silang magkakairingan at pareho pang malalagay sa kulungan.

Maglalayo ang landas nila sa patuloy na paghabol ni Nokdu sa babaeng kriminal papunta sa nayon ng mga biyuda, kung saan mahigpit na ipinagbabawal ang mga lalaki. Para makapasok, isang plano ang gagawin ng binata — magbibihis siya bilang babae hanggang sa mahanap ang kaaway.

Ngunit sa patuloy na pagtugis sa kalaban, iba ang mahahanap niya — si Dong Ju, at ngayon ay bilang ang kanyang tunay na pagkatao na. Walang malay na siya rin ang lalaking nakilala noon, unti-unting mahuhulog si Nokdu sa dalaga. Pero agad din siyang malalagay sa panganib dahil madidiskubre ni Dong Ju na siya ay nagpapanggap lang.

Maipagpatuloy pa kaya ni Nokdu ang kanyang misyon? Saan nga ba hahantong ang pag-ibig niya kay Dong Ju?

Panoorin ang “The Tale of Nokdu” tuwing hapon sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167).