Hindi na kailangan ng kandila at hindi na rin kailangan ng ulan dahil natupad na ang wish ng fans na ibalik ang Koreanovelang iniibig nila with all their hearts and souls, ang “Goblin,” sa ABS-CBN simula ngayong Lunes (Nov 13).
Balikan muli ang kwento ng matapang na heneral na si Kim Shin (Gong Yoo) na sinumpa na mabuhay habambuhay bilang isang Goblin o tagapagtanggol ng mga kaluluwa. Makalipas ang higit 900 taon ay makikilala niya ang babaeng tatapos sa sumpa— si Erin (Kim Go Eun) ang tinaguriang Goblin’s bride. Mahuhulog ang kanyang loob sa dalaga at ibubuwis ang kanilang mga buhay sa ngalan ng pag-ibig.
Huwag palalampasin ang muling pagbabalik ng “Goblin,” pagkatapos ng “The Promise of Forever,” ngayong Lunes (Nov 13) sa first and true home of Asianovelas, ang ABS-CBN.