• MONDAY - FRIDAY AT 5 IN THE AFTERNOON AND 10 IN THE EVENING!
  • MONDAY - FRIDAY AT 5 IN THE AFTERNOON AND 10 IN THE EVENING!
Korean fantasy drama “W” airs on ABS-CBN’s Primetime Bida

 

Pasukin ang world of kilig and suspense hatid ng pinakaabangang Korean fantasy drama na “W” na magsisimula ngayong Lunes (Mar 12) sa first and true home of Asianovelas, ABS-CBN.

Kilalanin si Maddie Oh (Han Hyo Joo), isang surgeon at anak ng creator ng sikat na webtoon na “W” na kinababaliwan ng lahat ngayon. Isang araw ay misteryosong mawawala ang kanyang ama.

 

Sa kanyang paghahanap ay mapapadpad siya sa opisina nito at makikita ang ginagawa nitong huling kabanata ng webtoon kung saan duguan ang main character na si Raiko (Lee Jong-Suk).

 

Isang kamay ang biglang hahatak sa kanya papasok sa webtoon at laking gulat niya na katabi na niya na mismo si Raiko.

 

Sa kanyang paglabas-masok sa webtoon, mabubuo ang isang magandang pagtitinginan sa pagitan nila ni Raiko.

 

Paano aaminin ni Maddie kay Raiko na sila ay galing sa magkaibang mundo? May chance bang maging reality ang love story na nagsimula sa fantasy?

 

Pakatutukan ang pagsisimula ng “W” ngayong Lunes (Mar 12), pagkatapos ng “The Good Son” sa first and true home of Asianovelas, ABS-CBN. Para sa updates, i-like ang https://www.facebook.com/abscbnkapamilyanovelas/ sa Facebook o i-follow ang @KapamilyaNovela sa Twitter. Maari ring panoorin ang past episodes ng programa via www.iWanTV.com.ph.