• MONDAY - FRIDAY AT 5 IN THE AFTERNOON AND 10 IN THE EVENING!
  • MONDAY - FRIDAY AT 5 IN THE AFTERNOON AND 10 IN THE EVENING!
Korean idols Yoona at Siwan, paghahariin ang pag-ibig sa “The King is in Love”

 

Bibida ang Korean idols na si Yoona ng Girls’ Generation at Siwan ng ZE:A, kasama ang Korean model actor na si Hong Jong Hyun, sa pinakabagong Asianovela na “The King Is In Love” na paghahariin ang pag-ibig simula Lunes (Jan 22) sa ABS-CBN.

 

Sundan ang kwento ng magiging hari na si Prince Won (Siwan) at kung paano mahuhulma ang kanyang kapalaran ng dalawang taong malapit sa kanya— ang kababatang si Wang Rin (Jong Hyun) at magandang dilag na si So-Hwa (Yoona).

 

Bata pa lang ay matalik na magkaibigan na sina Won at Wang Rin. Ang huli kasi ang isa sa unang naging kaibigan ng prinsipe at nagmulat sa kanya sa mundo sa labas ng palasyo. Magbibinata sila at mananatiling magkakampi sa lahat ng bagay hanggang sa dumating sa buhay nila si So-Hwa.

 

Iibig ang dalawa sa magandang dalaga. Mamahalin ito nang lubos ni Won na higit pa sa sarili, habang lihim naman itong mamahalin ni Wang Rin sa pangambang masaktan ang kaibigan.

 

Paano mamamagitan ang pag-ibig sa dalawang matalik na magkaibigan? Sino ang mas matimbang kay So-Hwa?

 

Ang theme song ng serye na “Tunay na Pag-ibig” ay inawit ni Sam Milby.

 

Huwag palalampasin ang pagsisimula ng “The King is In Love” ngayong Lunes (Jan 22), pagkatapos ng “Hanggang Saan” sa Kapamilya Gold ng first and true home of Asianovelas, ABS-CBN. Para sa updates, i-like ang https://www.facebook.com/abscbnkapamilyanovelas/ sa Facebook o i-follow ang @KapamilyaNovela sa Twitter. Maari ring panoorin ang past episodes ng programa via www.iWanTV.com.ph.