• MONDAY - FRIDAY AT 5 IN THE AFTERNOON AND 10 IN THE EVENING!
  • MONDAY - FRIDAY AT 5 IN THE AFTERNOON AND 10 IN THE EVENING!
Heavyweight finale ng “Weightlifting Fairy” ngayong Linggo na

Ihanda na ang mga puso dahil heavyweight sa emosyon at kilig ang inaabangang finale ng Koreanovelang may swag na “Weightlifting Fairy.”

Mabigat ang kakaharaping hamon ni Joon Hyung dahil muli niyang makakasama ang inang matagal na nawalay sa kanya. Sa lahat ng ito ay dadamayan siya ng kanyang girlfriend na si Bok Joo.

Isang matinding pagsubok pa ang darating sa dalawa dahil makakapasok si Bok Joo sa national team dahilan para magkahiwalay sila.

Kayanin kaya nila ang long distance relationship? Kayanin kaya nila pagsabayin ang love at career? Maging faithful kaya si Joon Hyung o may dapat ipagselos si Bok Joo?

Sa pagtatapos ng makulay na kwento nina Bok Joo at Joon Hyung sa primetime ay siya namang pagsisimula ng ng pinakamalaking Korean fantasy-romance drama na “Legend of the Blue Sea” tampok ang hari ng Asianovelas na si Lee Min Ho.

Sundan dito ang love story ng mortal na si Andrei (Lee Min Ho) at imortal na sirena na si Sheena (Jun Ji-Hyun). Gagawin ni Sheena ang lahat mahanap lang ang kasalukuyang katauhan ni Andrei para muling ipagpatuloy ang pag-iibigan nilang naunsyami sa kanilang nakaraang mga buhay.

Huwag palalampasin ang huling linggo ng “Weightlifitng Fairy” at pagsisimula ng “Legend of the Blue Sea” pagkatapos ng “A Love to Last” sa first and true home of Asianovelas, ABS-CBN. Para sa updates, i-like ang https://www.facebook.com/abscbnkapamilyanovelas/ sa Facebook o i-follow ang @KapamilyaNovela sa Twitter. Maari ring panoorin ang past episodes ng programa via www.iWanTV.com.ph.