• MONDAY - FRIDAY AT 5 IN THE AFTERNOON AND 10 IN THE EVENING!
  • MONDAY - FRIDAY AT 5 IN THE AFTERNOON AND 10 IN THE EVENING!
Chinese heartthrobs, muling ipapadama ang high school kilig sa “A Love So Beautiful”


Balikan ang feeling ng iyong first crush at first heartbreak sa Asianovelang magtatampok ng love story nating lahat, ang “A Love So Beautiful” simula Lunes (April 23).

 
Chinese heartthrobs naman ang magpapakilig sa hapon sa pangunguna ni Hu Yi Tian bilang Ken at Shen Yue bilang Zoey. Si Shen din ang gaganap ng iconic role na Shan Cai sa 2018 Chinese remake ng hit series na “Meteor Garden.”

 
Sundan ang kwento ni Zoey, isang masayahing high school girl na patay na patay sa kanyan classmate, ang gwapo at matlinong si Ken. Gagawin ni Zoey ang lahat mapansin lang ni Ken.

 
Lingid naman sa kaalaman nya na may lihim na pagtingin pala sa kanya ang champion swimmer at kaibigang si Liam.

 
Hanggang saan aasa si Zoey na mapansin ni Ken? Wala ba talagang gusto si Ken kay Zoey? May pag-asa naman kaya si Liam kay Zoey?

 
Huwag palalampasin ang pag-uumpisa ng “A Love So Beautiful” pagkatapos ng “Hanggang Saan,” sa first and true home of Asianovelas, ABS-CBN.