• MONDAY - FRIDAY AT 5 IN THE AFTERNOON AND 10 IN THE EVENING!
  • MONDAY - FRIDAY AT 5 IN THE AFTERNOON AND 10 IN THE EVENING!
Kilig at paghihiganti, bibigyang kulay ang “Doctor Crush” sa ABS-CBN

 

 

Makakaya bang gamutin ng pagmamahal ang sugatang puso?

 

Patutunayan ng pinakabagong Asianovela ng ABS-CBN “Doctor Crush” na pag-ibig ang pinakaepektibong lunas sa lahat sa pag-uumpisa ng nakakakilig na kwento nito sa primetime ngayong Lunes (May 7).

 

Pinagbibidahan ng tatlo sa pinakamalalaking Korean stars na sina Kim Rae Won, Lee Sung-Kyung at Park Shin Hye, tampok sa serye ang isang delingkwenteng dalaga na kalaunan ay naging isang doctor na nililigawan ng kanyang dating high school teacher at ngayo’y kasamahan sa ospital.

 

Dahil sa pinagdaanan sa buhay at pamilya kung kaya’t lumaking metatag at palaban ang si Giselle. Hirap siyang magtiwala sa tao at tanging ang kanyang pinakamamahal na lola ang kanyang pinagkakatiwalaan.

 

Isang araw ay makikilala niya ang kanyang Biology professor na si Nico na maglalaan ng kanyng oras at atensyon para maituwid si Giselle sa tamang landas. Hindi rin naging madali ang buhay ni Nico bilang teenager kaya ganun na lang niya kagusto na makatulong sa high school students na may pinagdadaanan din tulad ni Giselle.

 

Maayos ang pakikitungo nila sa isa’t isa bilang magkaibigan hanggang kumalat ang tsismis na may namamagitan sa kanila. Kukumporantahin ni Giselle si Sherry, ang pinaghihinalaang source ng tsismis, at mauuwi ang kanilang paghaharap sa pagkakasunog ng bahagi ng isang building.

 

Paano niya matatakasan ang gusot na ito? Ano ang gagawin ng kanyang  lola para mapigilan ang pagkaso sa kanya ng arson? Ano ang magiging reaksyon ni Giselle oras na malaman na ama ni Sherry and doctor na oopera sa kanyang lola? Ano ang mangyayari kapag nagkita sina Giselle at Nico pagkatapos ng 13 taon? May chance na ba sila sa love?

 

Huwag palalampasin ang “Doctor Crush,” simula Lunes (May 7) pagkatapos ng “Since I Found You” sa first and true home of Asianovelas, ABS-CBN.

 

Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.