What’s Wrong With Secretary Kim MediaCon

Umaapaw na kilig at ‘tatak Pinoy’ ang ibibida nina Kim Chiu at Paulo Avelino sa local adaptation ng K-drama na “What’s Wrong With Secretary Kim” na eksklusibong mapapanood sa Viu simula Marso 18. 

Ipapamalas din ng KimPau ang kanilang pangmalakasang chemistry dahil siksik sa kilig at good vibes ang mapapanood sa kauna-unahan nilang romcom serye bilang ang kanilang mga karakter na sina Secretary Kim (Kim) at Brandon Manansala Castillo o BMC (Paulo).

Mula sa direksyon ni Chad V. Vidanes, sinusundan ng “What’s Wrong With Secretary Kim” ang kwento ng mahusay na sektretarya na si Secretary Kim at ang perpekto niyang boss na si BMC. Unti-unti nilang madi-diskubre na inlove sila sa isa’t isa nang biglang mag-resign si Secretary Kim mula sa kanyang posisyon.

Kasama rin sa serye sina Jake Cuenca, Janice De Belen, Romnick Sarmenta, Angeline Quinto, Pepe Herrera, Franco Laurel, JC Alcantara, Kaori Oinuma, Gillian Vicencio, Yves Flores, Cai Cortez, Phi Palmos, Kat Galang, at Brian Sy, kasama ang special participation ni Kim Won Shik.

Esklusibong mapapanood ang “What’s Wrong With Secretary Kim” sa Viu simula Marso 18 kapag i-download ang Viu app o bisitahin ang www.viu.com.