“Un/Happy for You” na reunion project ng JoshLia, ipapalabas na sa sinehan ngayong Agosto 14 | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
“Un/Happy for You” na reunion project ng JoshLia, ipapalabas na sa sinehan ngayong Agosto 14

Entertainment.ABS-CBN.com
Published Jul 13, 2024 10:05 PM PHT
|
Updated Jul 13, 2024 10:13 PM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Masaya bang balikan? Dapat bang balikan?
Ilan lamang ito sa mga katanungang pupukaw sa isip at damdamin ng publiko kapag napanood nila ang reunion movie nina Joshua Garcia at Julia Barretto na “Un/Happy for You” na ipapalabas na sa mga sinehan sa buong bansa ngayong Agosto 14.

Sa teaser trailer ng pelikula na umani ng 23 milyong views sa iba’t ibang digital platforms sa loob lamang ng walong araw mula nang ito ay i-upload online, makikita ang mga matatamis na alaala ng mga karakter nina Joshua (Juancho) at Julia (Zy) pati na ang kanilang nakakadurog na breakup na sinabayan pa ng "Paubaya" ni Moira dela Torre bilang background music.

Laman din ng teaser ang maraming katanungan na tiyak na sumagi na sa isipan ng mga taong nakaranas na ng pait at saya na dulot ng pag-ibig tulad ng: “Masaya bang balikan? Dapat bang balikan? Delulu pang balikan? Masarap bang balikan? ‘Di na dapat balikan? Paano nga ba balikan?”

Dama na online ang excitement ng fans na nag-aantay sa premiere ng pelikula ng Star Cinema at Viva Films sa Agosto.
Dama na online ang excitement ng fans na nag-aantay sa premiere ng pelikula ng Star Cinema at Viva Films sa Agosto.
ADVERTISEMENT
Sa direksyon ni Petersen Vargas at panulat nina Kookai Labayen, Crystal San Miguel, at Jen Chuaunsu, ang “Un/happy for You” ang reunion film nina Joshua at Julia na dapat panoorin sa mga sinehan simula ngayong Agosto 14.

Read More:
ABS-CBN
Entertainment
ABS-CBN Entertainment
Joshua Garcia
Julia Barretto
Un/Happy for You
joshlia
joshua and julia movie
Un/Happy for You teaser
Un/Happy for You trailer
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT