“Sunday Night Fever” nina Diether and Nathalie, nasa iWant na

Paiinitin ng iWant ang panonood ng users nito sa kauna-unahang pagtatambal nina Diether Ocampo at Nathalie Hart sa pelikulang “Sunday Night Fever.”

Sa “Sunday Night Fever,” gaganap si Diether bilang Mikey, isang chef na mahuhumaling sa kapitbahay nitong si Nathalie. Hindi magtatagal ay mapapalapit ang dalawa at magkikita nang patago tuwing Linggo.

Sa kabila ng paglalim ng pagtitinginan, malalagay sa alanganin ang mga buhay nila nang madiskubre ng nobyo ni Kim (Ricky Davao) ang sikreto nilang ugnayan.

Panoorin ang “Sunday Night Fever” sa iWant app (iOs at Android) o sa iwant.ph.