Excited si Jericho sa kanyang TV comeback

Excited na ang Asia's award-winning actor na si Jericho Rosales para sa kanyang inaabangang TV comeback kung saan bibida siya sa isang proyekto ng ABS-CBN.

Bagama’t wala pang detalye tungkol sa gagawing teleserye ni Jericho, dapat abangan ng fans ang gagampanang papel ni Jericho na siguradong tatatak sa puso ng mga manonood. 

Sa panayam ng ABS-CBN News, ibinahagi ni Jericho kung bakit niya tinanggap ang naturang proyekto pagkalipas ng anim na taon mula noong bumida siya sa huli niyang teleserye.

“I’m very excited sobrang tagal ko nang ‘di nakabalik dito. It’s nice to be back here sa ABS-CBN, kwento ng Kapamilya heartthrob.

“It’s a really good project. For me timing is everything. It’s the perfect project, something that is aligned sa goals ko for my career now in film, TV, and streaming. The story is good,” dagdag niya.

Bukod sa kanyang pagbabalik-teleserye, sinabi rin ni Jericho na may niluluto rin siyang proyekto kasama ang Star Cinema.

“I’m really happy with this energy now that I am back in front of the camera, announcing stuff that I’ve been working on,” sabi niya.

Bilang isa sa mga pinakamagagaling na leading man ng kanyang henerasyon, napamahal ang mga manonood kay Jericho dahil sa kanyang mga pinagbidahang serye tulad ng “Pangako Sa’Yo,” “Sana’y Wala Nang Wakas,” “The Legal Wife,” at iba pa. Ang huling teleserye na ginawa ni Jericho ay noong 2018 para sa hit romantic drama na “Halik.”

Abangan ang iba pang detalye tungkol sa TV comeback ni Jericho.