PAANDAR 2014: Top 10 Kontrabidas you love to hate or you just really hate PART 2
5. Zuma (Derick Hubalde), Galema: Anak ni Zuma – Binalik siya ng paghihigante sa mga taong nagdala ng sumpa sa kanyang pagkatao. Balak niyang sakupin ang sangkatauhan pero ang tanging anak niya ang naging daan para pigilan siya.



4. Maximo Salazar (Ronaldo Valdez), Ikaw Lamang – Hanggang kaya niya i-control ang mga tao sa paligid niya ay gagawin niya ito dahil sa kasakiman niya sa kapangyarihan. Sinubukan niyang kalabanin ang sarili niyang manugang gamit ang kanyang apong si Franco. Dahilan din siya ng pagkamatay ng sarili niyang anak at pagkabaldado ng sariling apo. Dahil sa kasakiman, ito rin ang naging dahilan para talikuran siya ni Gonzalo na dati niyang kakampi. Si Gonzalo ang nagplano kung paano siya patayin, ang ilibing siya ng buhay kasama ng kayamanan niya at mga ulupong (ahas) na kagaya niya.



3. Franco Hidalgo (Jake Cuenca), Ikaw Lamang – Dahil sa selos at inggit at kailangan niyang pasabugin ang barkong sinasakyan ng asawa niya at kapatid sa ama. Sa harap ng asawa ay isa siyang malupit na tao at sa mga anak at ibang tao kaya niyang laruin ang emosyon niya na nagpapakita na siya ay isang biktima. Pinalaki niya ang anak niyang inaakalang masama ang kanyang ina pero sa katotohan siya ang dahilan ng lahat.



2. Janine Arguello (Erich Gonzales), Two Wives – Dahil sa anak na nangungulila sa ama ay napilitan siyang kunin si Victor para maging ama nito. Pero hindi inaasahan ni Janine na mahulog ang loob niya kay Victor at pinilit nitong mahalin siya. Dahil sa pag-ibig ay nabaluktot niya ang mali para maging tama sa kanila - ang piliin siya ni Victor at iwan ang sariling asawa ay naging abot kamay niya lalo na’t naging totoong mag-asawa sila. Pero sobrang bilis ng karma dahil ilang araw mula noong ikinasal sila ay naaksidente si Victor at nagka-amnesia. At ngayon, siya na dating kabit at masaya, ay siyang asawang nagdudusa dahil bumalik si Victor kay Yvonne.



1. Nicole Esquivel (Maja Salvador), The Legal Wife – Muling nagbabalik si Maja sa listahan ng kontrabida na nagpangitngit sa ating tuwing gabi sa Primetime Bida. Kung noong 2013 siya si Margaux sa Ina Kapatid Anak ay mas nag-level up siya bilang si Nicole sa The Legal Wife. Dahil sa pangungulila sa pagmamahal ay nagawa niyang agawin ni Adrian na asawa ng kaibigan niyang si Monica. Ang bawat gabi ng The Legal Wife ay puno ng pasabog ng mga linyang kinapitan natig lahat. Mga sampalan at sagutang dinama natin lalo na si Nicole na pilit inaagaw si Adrian kay Monica na siyang bumago sa pagkatao nito. Mula sa pagiging simple at tahimik na Monica, hinamon siya ni Nicole at naging palaban na walang inuurungan lalo na sa mga may atraso sa kanya.



Iyan ang Top 10 Kontrabidas ng 2014 mula sa mga teleseryeng tinutukan natin. Sang-ayon ka ba o taliwas sa aming listahan? I-share mo sa amin, Kapamilya, ang iyong opinyon!

CLICK HERE FOR PAGE 1

WE RECOMMEND